Friday, June 26, 2009

Gagawin para sayo



Ito'y buong puso kong isinulat para sayo
sa kabila ng masakit na katotohanan na kahit kailan ay hindi mo malalaman na ikaw ang siyang tinutukoy ng liham kong ito.
Alam mo ba ,,,
kahit hindi ka magsalita,
buo na araw ko na nasa tabi lang kita.
sana mabangit mo kahit minsan,
na naging masaya ka dahil ako ang iyong kasama .

Handa akong ipagsigawan sa buong mundo
ang tunay na nararamdaman sayo ....
at alam kong kahit ikaw ay nasa tabi ko pa
hindi mo rin maririnig ang tibok ng puso ko,
ang puso kong nanghihina kasisigaw ng pangalan mo ....

Sa kabila ng kirot at sakit dito sa puso ko
na dulot ng labis kong pagmamahal sayo
ay ikaw pa rin magpa-hanggang ngayon
ang dahilam kung bakit tumitibok pa ito .....

pagmasdan mo ang mga luha ko
para maunawaan mo ang laman ng aking puso
at nang maramdaman mo ang pag-ibig ko sayo
na nakakubli sa bawat patak nito...

Hindi ko magawang ilihim ang pananabik sayo
ang maging bahagi sa bawat daang nilalakbay mo,
ayaw kong sundan ang mga yapak na tinahak mo,
ngunit bakit bakit ganito??
hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalayo sayo...

Wala na akong lakas pa
hindi ko na maitago ang luha sa aking mga mata
at hindi ko na rin kayang pigilan pa ...
ang mga ngiting dahan dahan nang nawawala.....

hindi ko hihilingin na ibsan mo ang aking kalungkutan,
bigyan mo lang ako ng kaunting pag-asa
na balang araw ay makakalimutan din kita.
Na isang araw,mawawalaka na rin sa isip ko
at tuluyan na maglalaho sa loob ng puso ko......

sana.....
maintindihan nitong aking isipan,
na kahit kailanman ay hindi mo magagawang tandaan,
ang mahahalagang bagay na hindi ko kayang kalimutan....

at sana.......
matanggap nitong aking puso,
ang katotohanan na mas magiging masaya ka
kung wala ako sa buhay mo ......